UNANG DESTINASYON NG PAGLALAKBAY:
>AYALA MUSEUM<
dito sa ayala museum ay nakita ko ang mga natatanging gawang sining ng mga sikat na artist ng aking bansa, walang katulad ang ganda nito. pero para sa akin ang highlight ng ayala museum ay ang mga ginto ng ating mga ninuno kung paano ito ginawa at nadiskubre. sa panahon ngayon hindi mo aakalaing mayaman pala tayo sa ginto, noong dati kasi ang ginto sa ating ninuno ay maharlika o sagrado pero ngayon pag sinabing ginto ang unang naiisip agad ay PERA o YAMAN.
IKALAWANG DESTINASYON NG PAGLALAKBAY:
>NATIONAL MUSEUM<
dito sa national museum para kang pumasok sa utak ng tao dahil sa dami ng makikita mong kapakipakinabang na makakatulong sa pagunlad ng iyong isipan, pandagdag ng kaalaman. sa dami ng impormasyon na iyong malalaman at kung anu ano pang mga interesadong mga bagay. nakakita ako ng mga bungo at buto ng kung anu anong mga hayop, mga painting at mga likhang sining na kay gaganda at may ilan ding para sa akin ay wirdo dahil hindi ko alam ang ibig sabihin ng gumawa nito. the best para sa akin ay ang part 2 ng national museum dahil mas malawak at mas mataas ito kay mas marami akong nakita na mga bagay, kagaya ng kanyon mga hayop na bihira ng makita sa ngayon, mga sinaunang kagamitan ng ating mga ninuno at pati na rin ang kagamitan ng mga dayuhan. sa totoo lang sasakit ang paa mo sa kakalakad at kakaikot ngunit mabubusog ang mga mata mo sa mga makikita mo, ang saya pa sumakay sa elevator na mistulang lumulutang na CAPSULE, para kang nakasakay sa gamot. dun ku din nakita ang isa sa sinaunang bahay, ang kubo kakaiba ito kasi ang baba nito at hindi siya ganon kalawak pero trip ko minsan mag stay sa ganoong bahay kahit isang araw lang para maramdaman ko kahit papano kung paano at ano ang pakiramdam ng pagtira doon. pero ang pinaka hindi ko makalimutang nangyare doon ay noong may naramdaman akong kakaiba sa isa sa mga kwarto doon, ang pagkakatanda ko ay 3 lang kami sa kwarto na yun ngunit may naririnig akong mga yabag na mistulang dahan dahan pa ang paglakad at kakaiba din ang aura doon mainit doon ngunit ibang lamig ang naramdaman ko kasi parang may nagmamatyag at nakatingin sa amin medyo kinilabutan talaga ako pero hinayaan ko na lang at inenjoy ko na lang ang trip namin.
IKATLONG DESTINASYON NG PAGLALAKBAY:
>CHINESE GARDEN<
ito na ang huling destinasyon ng biyahe ang chinese garden, actually may 2 option kami pipili kami kung sa japanese garden o sa chinese garden. napagdesisyonan ng aming grupo na sa chinese garden na lang kaya doon na lang kami nagtungo. ng makarating kami doon ay mayroong isang mahabang waiting shade doon kami naupo at nagpahinga. hindi na kami masyadong nakaikot dahil karamihan sa mga kagrupo ko ay pagod na, maging ako ay pagod na kaya nagpahinga na lamang ako. tinitingnan namin ang lugar doon at may nakita kaming mga estudyante na nagtataping siguro ay proyekto nila sa eskwela. ang tema ng kanilang proyekto ay tungkol sa intsik kaya may nakacostume na babae at lalaki parang romeo and juliet na chinese version. masaya na ako noong pinapanuod ko ang mga estudyante na iyon ang gagara kasi ng costume nila mga elegante at malinis tingnan para akong nasa chinese new year. patuloy ako sa panunood sa kanila habang ang ibang kagrupo ko ay naglibot sa garden, NANG BIGLANG...
UMULAN!!! natigil sa shooting ang mga estudyante at ang ibang kagrupo ko ay naging basang sisiw, napakalakas ng ulan na iyon ngunit hindi naman sya ganoon nagtagal. its almost 5:30 ng hapon ng tumigil ang ulan naisip namin na bumalik na sa van inisip pa namin na baka kami pa ang unang makabalik sa van ngunit mali pala ang aming akala dahil kami na lang pala ang hinihintay. ng makarating kami sa van ay nagsimula ng umalis aang iba pang van. at noon din ay natapos na ang aming trip, habang nagsisimula ang byahe namin pabalik sa aming eskwelahan. sa pag andar ng aming van ay nagsimula ring akong magisip kung kailan kaya mauulit ang trip namin na iyon. kakaiba talaga maglakbay pag mga kaibigan ang kasama, ang trip na iyon ang nagpatunay na "THE MORE THE MERRIER". =)